PERTUSSIS
ANO ANG PERTUSSIS?
Ang Pertussis o "Whooping Cough" ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bakteryang Bordetella pertussis. Mapanganib ito sa lahat ng indibidwal anuman ang edad ngunit mas lubhang apektado nito ang mga sanggol.
PAANO ITO NAKUKUHA?
Ang isang taong may pertussis ay maaring makahawa sa iba sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo.
MGA SINTOMAS
EARLY SYMPTOMS:
Kadalasang lumalabas 1-2 weeks
- Runny Nose
- Low-grade Fever (mababa sa 38C)
- Mild, occasional cough
- Apnea (biglang pagtigil sa paghinga)
LATER SYMPTOMS:
Dahil sa matinding pag-ubo, maaring maranasan ang mga sumusunod na sintomas at kadalasang tumatagal ng 1-6 weeks:
- Panghihina
- Pagsusuka habang o pagkatapos ng malalang pag-ubo
- Hirap sa paghinga
- Whoop Sound
PAANO MAIIWASAN ANG PAGKAHAWA?
Ang Pertussis ay naipapasa mula sa tao patungo sa tao sa pamamagitan ng respiratory droplets (halimbawa: mula sa pag-ubo o pagbahing).
- Sundin ang tamang respiratory hygiene lalo na kapag bumabahing o umuubo.
- Takpan ang bibig at ilong gamit ang tissue o wipes.
- Itapon nang wasto ang ginamit na tissue o wipes.
- Iwasan ang pag-ubo sa mga kamay.
- Maghugas ng kamay pagkatapos umubo o bumahing o pagkatapos makisalamuha sa taong may karamdamang ito.
- Ang mga hindi nabakunahan o hindi pa kumpleto ang bakuna laban sa pertussis, kabilang ang mga indibidwal na may mahinang resistensya ay dapat iwasan o limitahan ang pakikisalamuha sa mga taong mayroong pertussis o pinaghihinalaang meron nito.
- Sa tahanan: Ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at hand hygiene gamit ang alcohol-based sanitizer sa lahat ng pagkakataon.
- Sa mga health worker: magsuot ng medical mask.
- Sa mga pasyente: magsuot ng mask at sundin ang respiratory hygiene at pagtatakip ng bibig kapag umuubo.