LEPTOSPIROSIS
ANO ANG LEPTOSPIROSIS?
Ang Leptospirosis ay isang sakit na dulot ng bakteryang leptospira, na matatagpuan sa ihi ng mga infected na hayop tulad ng daga na nahahalo sa tubig-baha lalo na kapag panahon ng tag-ulan.
PAANO ITO NAKUKUHA?
Humahalo ang ihi sa tubig-baha at maaaring pumasok sa sugat, bitak sa balat, mata, ilong, at bibig ng isang tao kapag lumusong sa baha ng walang proteksyon. Hindi lang sa tubig-baha matatagpuan ang leptospirosis. Maaari din itong makuha sa pagkain at mga kagamitan na naihian ng daga.
MGA SINTOMAS NG LEPTOSPIROSIS
- Pananakit ng tiyan
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
- Pananakit ng kalamnan
- Pagtatae
- Mapulang mata
- Pagsusuka
- Paninilaw ng balat
- Rashes
- Chills
Ang leptospirosis ay maaaring magdulot ng mild 'flu-like' symptoms na halos katulad ng dengue, typhoid, at viral hepatitis.
PAANO MAIIWASAN?
- Iwasan ang paglangoy, paglusong, o pagtampisaw sa baha
- Kung hindi maiiwasan, gumamit ng kapote, bota, at guwantes
- Sugpuin ang mga daga sa paligid
- Maging malinis sa paligid (loob at labas ng bahay)
- Ugaliin ang wastong pagtatapon ng mga basura upang hindi pamahayan ng mga daga
- Matapos lumusong sa baha, agad na maligo o maglinis ng katawan gamit ang malinis na tubig at sabon
- Linisin at takpan ang sugat ng waterproof dressing upang maiwasan ang impeksyon
MGA KOMPLIKASYON
Ang leptospirosis ay nagdudulot ng mga komplikasyon kung hindi maaagapan. Huwag hintaying humantong sa mga sumusunod na komplikasyon:
- Pagpalya ng kidney
- Pagdurugo ng baga
- Pagpalya ng atay
- Hirap sa paghinga
- Pagkamatay
- Meningitis (utak)