Loading...
Mon - Fri : 08.00 AM - 05.00 PM
8988-4242 loc. 1609

DENGUE


ANO ANG DENGUE?

Ang Dengue ay isang sakit dulot ng virus (genus flavivirus), na nakukuha sa pamamagitan ng Aedes aegypti.

PAANO ITO NAKUKUHA?

Ang DENGUE ay naipapasok mula sa kagat ng babaeng lamok na Aedes aegypti.

Nangyayari ito kapag ang lamok ay kumagat sa tao, at ang lamok ay karaniwang naglalagi sa malamig na lugar.

MGA SINTOMAS

  • Pagsasakit ng katawan
  • Pananakit ng ulo
  • Pananakit ng mata
  • Pananakit ng tiyan
  • Pagsusuka

Bantayan ang mga senyales ng dengue! Maraming pasyenteng may dengue ang maaaring alagaan sa bahay kasama ang sapat na pahinga at hydration.

SEARCH AND DESTROY

Suyurin at alisin ang mga pinamumugaran ng mga lamok na pwedeng pangitlugan ng mga ito. Palaging linisin ang kapaligiran.

SELF PROTECTION MEASURES

Sarili ay protektahan laban sa mga lamok. Magsuot ng mahabang manggas; gumamit ng mosquito repellant.

SUPPORT FOGGING/SPRAYING TO PREVENT FURTHER OUTBREAKS

Sumuporta sa spraying at fogging sa inyong komunidad kapag may banta ng outbreak.

SEEK EARLY CONSULTATION

Sumangguni sa pinakamalapit na Health Center o Ospital lalo na kapag may sintomas ng Dengue.

SUSTAIN HYDRATION

Uminom ng hindi bababa sa dalawang (2) litro ng tubig kada araw, lalo na kung may lagnat.

DENGUE PREVENTION TIPS!

Takpan ang mga DRUM, TIMBA at iba pang ipunan ng tubig upang hindi pamahayan ng mga kiti-kiti.